Go back

Published: 2017-11-03   

Tara Nang Mamasyal sa Pinas – – And Bring Home A Friend!

Filipinos or Philippine expats who invite foreigners to visit the country will have the chance to win a condo unit, a car, or Php 200,000 worth of gift certificates.

Filipinos or Philippine expats who invite foreigners to visit the country will have the chance to win a condo unit, a car, or Php 200,000 worth of gift certificates.

By: Souqpinoy Staff
Credits: (As promoted by Department of Tourism)

Kailan ka huling umuwi sa Pilipinas? Or more aptly para sa ating mga OFW, “Kailan ka huling namasyal sa Pinas?” Hindi nga ba’t dahil sa limitadong araw ng bakasyon mayroon tayo, ang bawat uwi ay ginagawa nating more memorable than the last time. Nakaugalian na rin nating sulitin ang bawat oras kung kaya naman ilang pasyal, outing, swimming, out-of-town, hotel staycation na nga ba ang na-achieve natin kasama ating pamilya, at kung minsan naman ay mga friends.

Subukan naman natin ang eksenang ito; uuwi ka para magbakasyon pero magsasama ka ng kaibigan mong hindi pa nakapapasyal ng Pinas. Yes, ikaw na ang official ambassador ng Pinas. *winks! Ipakikita mo ang mga petmalu na tourist spots natin. Nice idea? At hindi lang yan, kapag ginawa mo ito, may tsansa ka pa’ng manalo ng malalaking papremyo! Read on…

The Department of Tourism (DOT)’s Bring Home A Friend (BHAF) campaign is a referral incentive program wherein Filipinos or Philippine expats who invite foreigners to visit the country will have the chance to win a condo unit, a car, or Php 200,000 worth of gift certificates. Three (3) sponsors and invitees will be selected in the grand draw.

Qualified ang lahat ng Filipinos working abroad, 18 years and above; Pinoys with dual citizenship na nakatira sa Pinas or abroad as residents or overseas contract workers. Maaari mong imbitahan ang mga friends mo holding a foreign passport or with dual citizenship living abroad for a minimum of six months prior to the event. They qualify as your “entry” kung bumiyahe sila sa Pilipinas during the specified period of time. The Bring Home A Friend promo period will run from October 15, 2017 – April 15, 2018.

The sponsors, tayong mga OFW, can win a condo unit from Megaworld, a brand new Toyota Vios, or Php 200,000 Gift Certificate hatid ng Duty Free Philippines. Ang mga maiimbitahan natin, sakaling manalo ay mag-uuwi ng Two Roundtrip International Business Class Tickets + Two Roundtrip Domestic Tickets to Palawan + 5day/4night stay at El Nido Hotel and Resort, pwede ring Two Roundtrip International Premium Economy (or Economy if not applicable) Class Tickets + Two Roundtrip Domestic Tickets to Cebu o di kaya ay Two Roundtrip International Economy Class Tickets + Two Roundtrip Domestic Tickets to Davao + 5day/4night stay at Pearl Farm Beach Resort.

Bisitahin lamang ang website ng Philippine Department of Tourism upang makpag-paregister at makasali. Para sa mga karagdagang tanong tungkol sa promo na ito pati na ang mga requirements upang makasali, lahat masasagot sa pagbisita sa website ng BHAF. Ito ay hatid Department of Tourism kasama sa kanilang mga inititatives upang mapalago pang lalo ang turismo sa Pilipinas.

Tara na, Bring Home A Friend na, Kabayan!

Helpful Link/s:

Photo Credits: DOT Website

Souqpinoy

More than a Marketplace
 |  https://souqpinoy.com/

Recently posted articles

Philippine Independence Day Celebration 2018

LBC supports the Job Fair to be held during the...

Is your flight including a stop over in Dubai? Now, you can enjoy a day out in UAE.

The visa will be granted to transit passengers who wish...

Weather forecast includes towering waves in the sea

Kung maaari ay ipagpaliban muna ang pagpunta sa beach.

The Souqpinoy Slimdown Challenge Grand Finale

The realization of the idea behind the Slimdown Challenge would...