Go back

Published: 2017-10-18   

Souqpinoy Health Alert: Makiisa at Matuto Ngayong Breast Cancer Awareness Month

Ang souqpinoy.com ay kaisa ng kampanyang ito upang mas lalo pang maging batid ng mga Pinoy ang mga baga-bagay ukol sa Breast Cancer.

Ang souqpinoy.com ay kaisa ng kampanyang ito upang mas lalo pang maging batid ng mga Pinoy ang mga baga-bagay ukol sa Breast Cancer.

By: Souqpinoy Staff
Credits:

“Daig ng maagap ang masipag.” This Filipino saying best describes how our doctors would tell us that prevention is better than cure. And indeed it is, early detection in order to improve breast cancer outcome and survival remains the cornerstone of breast cancer control.

Nagsimula noon pang 1985, Oktubre, at tinatawag pa ito noong National Breast Cancer Awareness Month (NBCAM); ang kampanyang ito ay mula sa pagtutulungan ng American Cancer Society at ng pharmaceutical division ng Imperial Chemical Industries.(1) Ngayon nga ay buong mundo na ang kasali sa kampanya tungo sa pagbibigay kaalaman tungkol sa sakit na ito. At bakit nga hindi, ang breast cancer ay ang nangunguna sa mga uri ng kanser na nakakaapekto sa mga kababaihan sa buong mundo — developed or developing countries man, ayon mismo sa World Health Organization. (2)

Ang souqpinoy.com ay kaisa ng kampanyang ito upang mas lalo pang maging batid ng mga Pinoy ang mga baga-bagay ukol dito. At hindi lamang ito para sa mga kababaihan. Madalang ngunit hindi natatangi ang mga kaso ng Breast Cancer sa mga lalaki. At malaking porsyento ang karaniwang nalalaman na lamang kapag nasa huli o malalang estado na dahil kulang sa impormasyon.

Mapalad tayo at ang UAE ay isa sa mga bansang aktibong nangangampanya patungo sa awareness tungkol sa Breast Cancer. Kaagapay ang maraming mga establisyimento, mga ospital, tanggapan ng gobyerno at iba pa; ang lahat ay tulong-tulong lalo na ngayong buwan ng Oktubre. Nangalap ang souqpinoy ng impormasyon at dalawa sa maraming ospital sa UAE na kaisa sa kampanya laban sa Breast Cancer ay ang Zulekha Hospitals at Prime Hospitals.

Nagbibigay ng libreng konsultasyon sa isang espesyalista ang Zulekha Hospitals across the UAE; may libre rin silang X-Ray Mammogram, at mga diskwento sa iba pang mga procedures na may kinalaman sa Breast Cancer. Habang ang Prime Healthcare Group na marami ring hospital sa buong UAE ay may handog ring libreng konsulta, discounted rates for executive wellness for male and female, special discount on vaccines, atbp. Maari ring bisitahin ang kanilang website para sa karagdagang impormasyon.

Ang Mediclinic Hospitals man ay nakikiiisa rin sa kampanyang ito. Nagbibigay sila ng free consultation consisting of clinical examination, full evaluation of family and medical history or discussion of any concerns you may have. And great discounts on certain procedures. Mediclinic has 10 branches you can choose from.

Sa datos ng WHO para sa taong 2014, 27.7% ng 27,900 recorded deaths ay attributed sa breast cancer alone. Tinataya ring may 18,327 reported cases of breast cancer ng parehong taon kumpara lamang sa 2,425 na kaso ng Ovarian Cancer at 6,670 na kaso ng Cervix Uteri Cancer. (3)

World Health Organization – Cancer Country Profiles, 2014

Huwag nating ipagwalang-bahala. Seryoso ang kaakibat na risks ng Breast Cancer. Breast Cancer kills too many women and men, with terrible ripple effects through families and communities. We must work towards a world in which people – no matter where they live – have access to the services that ensure they survive.

References:

  1. https://en.wikipedia.org/wiki/National_Breast_Cancer_Awareness_Month
  2. http://www.who.int/cancer/detection/breastcancer/en/
  3. http://www.who.int/cancer/country-profiles/phl_en.pdf?ua=1

Helpful Link/s:

Souqpinoy

More than a Marketplace
 |  https://souqpinoy.com/

Recently posted articles

Philippine Independence Day Celebration 2018

LBC supports the Job Fair to be held during the...

Is your flight including a stop over in Dubai? Now, you can enjoy a day out in UAE.

The visa will be granted to transit passengers who wish...

Weather forecast includes towering waves in the sea

Kung maaari ay ipagpaliban muna ang pagpunta sa beach.

The Souqpinoy Slimdown Challenge Grand Finale

The realization of the idea behind the Slimdown Challenge would...