Go back

Published: 2017-11-06   

Magkakapatid na OFW sa UAE, tampok sa GMA’s Magpakailanman.

“Struggles are also blessings,” eto ang masayang realization ni Gee Lagdamat, nakatatandang kapatid ni Arianne matapos nilang mapagdaanan ang unos noong Pebrero ng taong 2016.

“Struggles are also blessings,” eto ang masayang realization ni Gee Lagdamat, nakatatandang kapatid ni Arianne matapos nilang mapagdaanan ang unos noong Pebrero ng taong 2016.

By: Souqpinoy Staff
Credits: (credits to Gee Lagdamat)

Mahigit isang taon matapos ang matagumpay na kidney transplant ni Arianne, patuloy pa ring nagiging hugutan ng inspirasyon ang matibay na samahan at pagmamahalan nilang magkakapatid. Patunay nito ay ang pagiging tampok ng istorya nila sa award-winning drama anthology ng GMA-7, ang Magpakailanman.

Nagpunta ng Dubai Si Arianne katulad ng karamihan sa mga Pilipino upang maghanap-buhay at suportahan ang kanilang pamilya. Ngunit bago pa man niya natapos ang kanyang 2-year contract ay kinailangan na siyang iuwi ng Pilipinas dahil sa natuklasang nasa last stage na ng Chronic Kidney Disease ang kanyang sakit. Hinabilin rin ng doctor ang agarang kidney transplant upang maiwasan pa ang komplikasyon sa iba niyang body organs at maging sanhi ng pagbigay ng kanyang katawan.

“Struggles are also blessings,” eto ang masayang realization ni Gee Lagdamat, nakatatandang kapatid ni Arianne matapos nilang mapagdaanan ang unos noong Pebrero ng taong 2016. Si Gee ang kapatid ni Arianne na nag-donate ng isang kidney upang dugtungan ang buhay ng dalaga. Laking pagpapasalamat nilang magkakapatid na compatible at perfect donor si Gee kaya agad-agad ay nangalap sila ng kakailanganing pera para sa operasyon. Isang aspeto rin ng pagsubok ay ang pagkumpleto sa napakalaking gastusin na kinailangan para sa operasyon. Ngunit lahat ito ay napagtagumpayan ng sama-sama’ng pagtutulungan ng magkakapatid, mga kaibigan nilang nag-umpisa pa ng crowdfunding ang iba, mga tulong mula sa mga ni hindi nila nakikilalang mga kababayan at maski na sa kanilang mga kinabibilangang Filipino community dito sa Dubai.

Ulila na sa ama’t ina, sila-sila na lamang magkakapatid ang nagpapalaks sa loob ng isa’t-isa. Kasalukuyan ngayong nagtatrabaho bilang Accounts Professional si Gee sa Dubai, habang ang isa pa nilang kapatid na si Leslie ay nagtatrabaho naman bilang Nurse sa Al Ain. Nasa Pilipinas si Arianne na patuloy pa ring bumubuti ang kalagayan kasama ang isa pa nilang kapatid na si Linsie, may-asawa at anak.

Minsan na ri’ng na-feature ang nakaka-inspire na istorya na ito nila Arianne, Gee, at dalawa pa nilang kapatid na sila Linsie at Leslie noon ding pagkakatapos pa lamang ng successful operation sa Balitang Bisdak – Regional News Segment, ang news-arm ng GMA-7 sa Visayas, noong Pebrero 11, 2016.

Tunay ngang nakakahanga ang matibay na samahan ng magkakapatid. Ang tanging hiling nila ay maging inspirasyon ang kanilang kwento na kayang pagtagumpayan ang lahat basta’t manalig lamang sa pag-ibig.

Helpful Link/s:

GMA 7 – Magpakailanman: http://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/magpakailanman/home/

Magpakailanman Featured Story: http://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/magpakailanman/home/#69821

Souqpinoy

More than a Marketplace
 |  https://souqpinoy.com/

Recently posted articles

Philippine Independence Day Celebration 2018

LBC supports the Job Fair to be held during the...

Is your flight including a stop over in Dubai? Now, you can enjoy a day out in UAE.

The visa will be granted to transit passengers who wish...

Weather forecast includes towering waves in the sea

Kung maaari ay ipagpaliban muna ang pagpunta sa beach.

The Souqpinoy Slimdown Challenge Grand Finale

The realization of the idea behind the Slimdown Challenge would...