Go back

Published: 2018-01-18   

Job Hunt Horror Story: We Will Just Call You

Kasabay ng paniniwala na may tamang tyempo sa bawat bagay, makabubuti ring alamin ang realidad ng aspeto ng paghahanap ng trabaho. Gawin ito upang mas maging well-equipped ang sarili at maalam sa pagharap sa mga sitwasyon.

Kasabay ng paniniwala na may tamang tyempo sa bawat bagay, makabubuti ring alamin ang realidad ng aspeto ng paghahanap ng trabaho. Gawin ito upang mas maging well-equipped ang sarili at maalam sa pagharap sa mga sitwasyon.

Credits: Souqpinoy Staff

“Thank you for your time. We will just call you,” malumanay na salita sayo ng kaharap mo matapos ka niyang kapanayamin. Pero, tatawagan ka nga ba niya talaga? Ilang ulit ka na bang nag-attend ng mga job interviews at ilang ulit mo na ring narinig ang gasgas na linyang yan? Bakit nga ba hanggang first, second, or panel interview ka lang pero hindi ka na natatawagan para i-hire?

Masakit naman talagang ma-reject sa trabaho; pinaghirapan mo’ng pag-apply-an ito, pinagbuhusan mo ng oras, pamasahe, at ensayo para makapasa sa interview. What have we missed, then? (READ: https://souqpinoy.com/news/bakit-wala-pang-tumatawag/)

Isipin rin nating maraming sala-salabat na dahilan at maraming iba’t-ibang sitwasyon mayroon ang bawat aplikante at kumpanya pero susubukan nating sagutin ang mga tanong mo. Heto ang ilan sa mga maaring maging dahilan:

  1. Maling trabaho or field of work.

Sagutin muna natin ang first level; bakit hindi ka natatawagan kahit napakarami ng mga pinagpasahan mo? Maaaring mali ang mga pinagpapasahan mo’ng job vacancies.

Maging tapat sa sarili; halimbawa ang nakita mo’ng job vacancy ay,

ACCOUNTANT with 5-7 years solid UAE experience

— kararating mo lamang sa Dubai on visit visa, with barely 2-year experience as Accounts Clerk in the Philippines. I can hear you defending, “subok lang naman, eh.” Oo nga at susubok ka lang magpasa; pero eto ang tinatawag na maaaring “maling trabaho” ang pinagpapasahan mo. Kaya ihanda na ang sarili na hindi matatawagan.

Pwede rin namang halos limang taon ka nang nagtatrabaho sa Customer Service Industry, yung tipong sa mall at kaharap ang mga customer. Walang masama na mag-shift ng industry or career path, iniisip mo’ng gusto mo nang magtrabaho sa loob ng opisina on an 8 hours a day, 5 days a week job sa IT Industry. Alalahanin lamang na maaaring hindi pinapansin ng employer ang CV mo dahil hinahanap nila ay yung nakapagtrabaho na sa parehong setting or industry.

  1. Disconnect in your resume and the way you present yourself.

Natatawagan ka nga para sa initial interview pero hanggang doon na lang. May tumulong ba sayo sa paggawa ng CV mo? Ipinagawa mo ba ito sa iba? Walang masama kung may kinatulong ka man na gumawa nito. Tandaan, natatawagan ka para sa job interview dahil sa CV mo. Senyales ito na attractive or may potential ang mga nakalagay doon.

Maaaring may disconnect o pagkakaiba with the way the employer sees your CV and the way you present yourself during the interview. Check the way you communicate with your interviewer, mag-ensayo ka kung kinakailangan. Pansinin rin kung paano mo iprisinta ang sarili mo — ang bihis, tindig, gayak, pakikipag-kamay sa interviewer, pagdating ng tama sa oras — tiyaking maayos ang iyong ipinapakita. At higit sa lahat, aralin ang CV, kabisado mo dapat ang nilalaman nito at natatandaan mo rin ang mga karagdagang aspeto ng mga work experiences mo.

(READ: https://souqpinoy.com/news/ace-that-job-interview-know-what-to-wear/)

  1. Hindi pa tamang oras o hindi pa ito ang tamang kumpanya.

Walang mabigat na dahilan, sadyang hindi pa para sa iyo ang trabahong iyon; pwede rin namang ginugusto mo lang ang kumpanyang pinagpasahan mo dahil naiinip ka na sa kahihintay magkatrabaho pero hindi mo talaga gusto doon.

(READ:

  1. Reinvent your own wheel.

Ano ba talaga ang career goals mo? Personal goals? Financial goals? Maaari mong isulat kung anu-ano ang gusto mo sa isang employer, team, working environment, the work itself and how you want to feel. Be specific. Ngayon, pagtuunan mo ng pansin ang kung ano ang mayroon ka – talents, skills, and character – what you have to offer and how you can help that company, team or manager.

Sa pamamagitan ng pag-aanalisa ng mga kakayahan mo, magbibigay ito sayo ng dagdag na kumpiyansa. Mapapaalalahanan mo ang sarili mo’ng you have something to offer. Keep that confidence in you burning.

Umaasa kaming may nasagot kami sa mga iniisip mo’ng maaring dahilan bakit hindi ka pa tinatawagan para sa first day of work mo. Minsan, mabilis ka lang maha-hire, pagkaminsan nama’y parang sinusubok ka ng tadhana. Kasabay ng paniniwala na may tamang tyempo sa bawat bagay, makabubuti ring alamin ang realidad ng aspeto ng paghahanap ng trabaho. Gawin ito upang mas maging well-equipped ang sarili at maalam sa pagharap sa mga sitwasyon.

Helpful Links:

Reference:

The Muse: https://www.themuse.com

Souqpinoy

More than a Marketplace
 |  https://souqpinoy.com

Recently posted articles

Philippine Independence Day Celebration 2018

LBC supports the Job Fair to be held during the...

Is your flight including a stop over in Dubai? Now, you can enjoy a day out in UAE.

The visa will be granted to transit passengers who wish...

Weather forecast includes towering waves in the sea

Kung maaari ay ipagpaliban muna ang pagpunta sa beach.

The Souqpinoy Slimdown Challenge Grand Finale

The realization of the idea behind the Slimdown Challenge would...