Go back

Published: 2017-12-06   

50% discount on traffic fines para sa buong UAE

Hindi inaadhika o kinukunsinti ang paglabag sa batas trapiko, bagkus, mas nais ipagmalaki ng pamahalaan na sila ay mapagbigay at ninanais tumulong lalo na sa mga kapos sa pambayad ng traffic fines.

Hindi inaadhika o kinukunsinti ang paglabag sa batas trapiko, bagkus, mas nais ipagmalaki ng pamahalaan na sila ay mapagbigay at ninanais tumulong lalo na sa mga kapos sa pambayad ng traffic fines.

Credits: As reported on Gulf News
Photo Credits: freepik.com

Ibinalita ni His Highness Shaikh Mohammad Bin Zayed Al Nahyan, Crown Prince of Abu Dhabi and Deputy Supreme Commander of the UAE Armed Forces na kaugnay ng pagseselebra ng ika-46 taon ng National Day ng UAE ay nagbigay ang pamahalaan ng 50% diskwento sa mga traffic fines.

Ang diskwento, ayon sa Dubai Police, ay para sa mga paglabag sa mga batas trapiko mula Enero 1, 2017 hanggang Disyembre 2, 2017. Valid ang diskwento sa loob lamang ng 90 days, ayon kay Brigadier Saif Muhair Al Mazroui, Director of Traffic Department at Dubai Police, kaya hinihikayat ang lahat na agad nang sulitin ang pagmamagandang-loob na ito at bayaran na ang mga traffic fines. Ang diskwentong ito ay dagdag sa nauna nang 50% discount na ibinigay para sa mga traffic fines sa buong taon ng 2016 kung babayaran ang mga ito bago matapos ang 2017.

Nakiisa naman ang Abu Dhabi Police at nagbigay rin ng 50% discount; epektibo sa mga traffic fines at confiscated vehicles for the period between August 1, 2016 hanggang Disyembre 2, 2017. Nagbigay ng 60 days validity ang Dubai Police upang magamit ang nasabing discount.

Samantala, ang Sharjah at iba pang Northern Emirates ay nagsabing maari ring ma-avail ang naturang 50% discount sa kanila. Kasalukuyan silang me discount programme na sinimulan nila noong Oktubre 19 at inaasahang magtatapos sa Disyembre 31, 2017. Sa pagpasok ng UAE National Day, inaasahang extended ang discount programme na ito; lahat ng fines committed before December 2 at kinakailangang mabayaran ang mga ito sa loob ng tatlong buwan.

Hindi inaadhika o kinukunsinti ang paglabag sa batas trapiko, bagkus, mas nais ipagmalaki ng pamahalaan na sila ay mapagbigay at ninanais tumulong lalo na sa mga kapos sa pambayad ng traffic fines. Inaasahan ring mas ikasasaya ito ng nakararami at upang lalo pang ma-enjoy ang selebrasyon ng UAE National Day.

Helpful Link/s:

Souqpinoy

More than a Marketplace
 |  https://souqpinoy.com

Recently posted articles

Philippine Independence Day Celebration 2018

LBC supports the Job Fair to be held during the...

Is your flight including a stop over in Dubai? Now, you can enjoy a day out in UAE.

The visa will be granted to transit passengers who wish...

Weather forecast includes towering waves in the sea

Kung maaari ay ipagpaliban muna ang pagpunta sa beach.

The Souqpinoy Slimdown Challenge Grand Finale

The realization of the idea behind the Slimdown Challenge would...