Go back

Published: 2017-08-09   

The Seven Kinds of Flatmates You Meet in your OFW Life

Living overseas is not a walk in the park: lalo na’t kailangan nating mag-manage ng expenses. Sa lahat ng paraan na pwedeng makatipid, go tayo dyan

Living overseas is not a walk in the park: lalo na’t kailangan nating mag-manage ng expenses. Sa lahat ng paraan na pwedeng makatipid, go tayo dyan

Cost-wise, accommodation is one thing OFWs are concerned about. Kaya hindi malayo na karamihan sa atin, we share our living spaces with family and friends, and even strangers.

Living with people of different personalities and backgrounds could be both challenging and fun. But it sure is a massive learning experience for anyone. Hindi lang tayo makakakilala ng iba’t ibang tao, matututo rin tayong makipag-kapwa-tao. This is real-life PBB.

Here’s a fun list of the people you are most likely to meet in a shared flat:

  1. The House Chef
    Masarap maging flatmate si House Chef! Talagang aabangan mo ang luto nya, lalo na pag day off nye. At dahil favorite hobby nya ito, masaya ring nagluluto si House Chef para sa lahat. So let us at least return the favor by either helping him/her out.

    Kung pwedeng maghiwa-hiwa ng mga sahog, go. Akuin na rin ang paghugas ng mag pinaglutuan. At ang pinaka-importante sa lahat, wag naman abusuhin si Chef. Napapagod din yan, at huwag syang obligahin na magluto na lang palagi. Hindi nya responsibilidad na ipagluto ka.

    You are still responsible for your own food, okay?

  2. The Invisible
    Very shy itong flatmate na ito. Minsan mag-iisip ka kung meron ba talagang nakatira dun sa bed space / partition nya eh. Hindi sya lumalabas—at all.

    We have to remember, however, that we have to respect people’s privacy and personal space. Malay mo may pinagdadaanan sya, diba? Leave him/her at peace, but always make him/her feel welcome, too!

  3. The Party Animal
    Sunday palang, abala na ‘to sa ganap for Thursday night. Ibang klase. Mahilig syang magyayang pumarty. Malamang sya ang promotor ng lahat ng tugs-tugs sa bahay.

    Sobrang fun na housemate si Party Animal, pero make sure na you keep him/her in check. Kapag hindi talaga pwedeng pumarty, learn to say no nang hindi naman sya masasaktan.

  4. The Cheerful Giver
    Heto, literal na isusubo na lang nya ibibigay pa nya sayo. Mahilig syang mag-share, at hindi sya nag-aabang ng kapalit.Talagang masaya lang sya na may naibigay sya sa’yo. And as the usual reminder goes, wag naman sana syang abusuhin to the point na lahat na lang iaasa sa kanya.

  5. The Hurricane
    Lahat ng daanan nya parang binagyo, Signal No. 4. Maraming reasons kung bakit hindi masyadong organized o malinis ang isang tao sa mga bagay-bagay. So wag naman natin syang awayin o pag-tsismisan agad-agad.

    You’re also not responsible to clean up after him/her, so wag mo pagurin ang sarili mo kakalinis ng mga kalat nya. The best thing to do is to talk to him/her. Baka kasi hindi rin sya aware sa mga nangyayari, diba? Wala namang hindi naaayos sa maayos na usapan.

  6. The Black Sheep
    Si Black Sheep ang usual na sagot sa mga tanong kagaya ng: “Nasan na yung hotdog ko sa ref?” “Bakit basa yung sabon ko?” Medyo tricky ang magkaroon ng ganitong housemate dahil hindi mo sya ma-identify.

    Iwasan ang pagbibintang lalo na kung wala ka namang ebidensya, dahil nakakasira ito ng house relationships. Kung may undeniable evidence ka, kausapin din nang maayos. Hindi ‘yung bigla-bigla mo na lang susugurin in the middle of the night.

    Also, you must find a better way to secure your stuff.

  7. The Mother-Father Figure
    Sa lahat ng flat, importante ang magkaroon ng Mother or Father figure. Mas peaceful ang bahay kung andyan sila, dahil sila ang: 1) taga-awat kapag may nag-aaway; 2) taga-pakinig sa mga hinanaing, heartbreaks o kahit anong problema; 3) taga-confront sa mga dapat i-confront in matters of the house; 4) taga-payo, taga-kalma at tagapag-pagaan ng loob.

Most of the time, the best flatmates make the best friends. Maraming barkadahan ang nabubuo sa isang flat. So get to know the people you’re living with and just enjoy the experience.

In living with others, it’s also important to remember the golden rule: “Don’t do unto others what you don’t want others to do unto you.”

Souqpinoy.com

More than a Marketplace
 |  http://souqpinoy.com/

Recently posted articles

Philippine Independence Day Celebration 2018

LBC supports the Job Fair to be held during the...

Is your flight including a stop over in Dubai? Now, you can enjoy a day out in UAE.

The visa will be granted to transit passengers who wish...

Weather forecast includes towering waves in the sea

Kung maaari ay ipagpaliban muna ang pagpunta sa beach.

The Souqpinoy Slimdown Challenge Grand Finale

The realization of the idea behind the Slimdown Challenge would...