Go back

Published: 2017-12-03   

Souqpinoy Pasyal Series – La Mer, the wind, the sand, the beachfront

Ang La Mer ay French phrase na nangangahulugang “The Sea.”

Ang La Mer ay French phrase na nangangahulugang “The Sea.”

Credits: Souqpinoy Pasyal Authority

Ang selebrasyon ng UAE National Day ay nagsilbing parang deadline sa mga parke, tourist spots, at iba pang lugar-pasyalan para tapusin ang kani-kanilang renovation, o tuluyan ngang magbukas sa publiko. Isa sa mga nagbagong-bihis ay ang La Mer na matatagpuan sa Jumeirah Beach 1 Area.

Nagpunta ang Souqpinoy Pasyal Authority at binisita ang ongoing development. Malaki na nga ang nabago sa parting ito ng Jumeirah; ngunit marami pa ring mga construction na ginaganap. Maayos nang nakahilera ang mga restaurant para sa mga parokyano, bukas na rin sa mga bata ang mga palaruan. At nakahanda ang mga portable toilets para sa pagdagsa ng mga tao.

Kinausap rin natin ang ilang kabayan at inalam kung bakit La Mer ang napil nilang puntahan ngayong long weekend.

Mag-asawang Perry at Zeny Dane, kasama ang kanilang anak.

Para kay Sir Perry Dane, Civil Engineer, pinili nilang magpunta sa La Mer ng kanyang pamilya dahil matagal na nilang nakitang ginagawa ito; matagal na rin silang hindi nakadaan ng Jumeirah Beach. Kaya itinaon na nila na long weekend na, may fireworks display pa; sulit ang kanilang pasyal. Kasama ni Sir Perry ang kanyang asawa, si Miss Zeny Dane, at kanilang anak.

(left to right) Bev Coloma, Badeth Papa, Paula Gutierrez, at Christine Ilao.

Ang magkakaibigang sila Bev, Badeth, Paula at Christine ay sama-samang namasyal sa La Mer dahil nabalitaan nila na mayroon ngang palabas in connection with the UAE National Day which will be culminated by the Fireworks Display by the Beach.

Sinabi ni Badeth Papa, sales executive, na malapit puntahan ang La Mer at saktong pasyalan para sa mga katulad nilang may pasok pa kinabukasan. Iniisip din nilang hindi sila gagastos ng malaki sa pagpunta sa La Mer kumpara sa pagpunta ng mga bar or shopping malls, ayon naman kay Paula Gutierrez, isang travel consultant. Dagdag naman ni Bev Coloma, sales executive, na ninais din nilang bisitahin ang La Mer dahil sa ito’y bago; para makita nila kung anu-ano ang mga nabago sa dating Jumeirah. Inaya naman agad ni Christine Ilao, sales executive, ang kaniyang mga kaibigan nang mabasa niya nga na may fireworks display na magaganap.

Si Maria Cristina Maganda-Macaso (dulong kanan) kasama ang kanyang pamilya.

Inabutan naman naming naglalaro at nagkakatuwaan ang isang kumpol ng pamilya. Nang tanungin namin si Miss Cristina Macaso, nagtatrabaho bilang Admin cum PRO, kung bakit nila napili sa La Mer; simple lang ang kanilang naging desisyon. May miyembro sila sa pamilya na nagdadalang-tao kaya kailangan nilang ikonsidera ang pasyalang malapit lang para hindi nakakapagod.

Napili rin nila ang La Mer dahil mayroong facilities para sa buong pamilya; may beach na paliguan, may play area para sa mga bata, libre at walang entrance fee makarating sa La Mer.

Si Herjee Funesto Tanda (naka-asul na t-shirt) kasama ang kanyang mga kaibigan.

Masayang nagpapakuha ng group picture si Herjee at kanyang mga kaibigan. Game na game sila sa pag-pose lalo na at maganda ang lighting sa iba’t-ibang lugar sa La Mer. Katulad ng iba, curious din sila kung ano ang meron sa La Mer dahil nga bago pa lamang ito at kabubukas lang sa publiko.

Huwag nang magpahuli, ka-souqpinoy, troop to the beach and feel the breezy wind and the beautiful grains of sand at La Mer.Ang La Mer ay French phrase na nangangahulugang “The Sea.” Ibinabalik ng La Mer ang spotlight sa dagat na nakaugalian nang gawing pasyalan ng mga tao.

Criteria:

Value for Money – 5 stars

-Every dime we earn is worth the scrutiny, so sulit ba’ng bisitahin ito?
⭐⭐⭐⭐⭐

-Free entrance, sulit. Pero maghanda ng extrang budget kung nais mong kumain sa mga restaurants in and around the area (ibang usapan na kapag restaurants).

Babalik-Balikan Factor – 4 stars

-Dahil nagustuhan mo, babalik-balikan mo
⭐⭐⭐⭐

-Every sunset is a new experience; and I believe totoo ito sa La Mer. Perfect picnic site for the family, beach access for the mermaid in you or kahit simpleng strolling, masarap gawin dito.

Family-Friendly – 5 stars

-Masaya ba’ng dalhin dito ang buong pamilya?
⭐⭐⭐⭐⭐

-Hindi lang pampamilya, pwedeng-pwede ring bitbitin ang buong tropa.

Selfie-Worthy – 4 stars

– Madami bang post-worthy spots, magagandang view na masusulit mo’ng litratuhan?
⭐⭐⭐⭐⭐

-The place is well-lit kaya naman ang ganda ng mga litrato kahit saan ka umanggulo.

BMW Access – 4 stars

-Kaya ba’ng marating ng Bus-Metro-Walk?
⭐⭐⭐⭐⭐

-Check out routes of Buses 9 and 88 para malaman kung alin ang dadaaan malapit sayo. Kung magdadala naman ng sariling sasakyan, nilawakan na nila ang parking area at may paid basement parking na rin.

Helpful Link/s:

Souqpinoy

More than a Marketplace
 |  http://souqpinoy.com

Recently posted articles

Philippine Independence Day Celebration 2018

LBC supports the Job Fair to be held during the...

Is your flight including a stop over in Dubai? Now, you can enjoy a day out in UAE.

The visa will be granted to transit passengers who wish...

Weather forecast includes towering waves in the sea

Kung maaari ay ipagpaliban muna ang pagpunta sa beach.

The Souqpinoy Slimdown Challenge Grand Finale

The realization of the idea behind the Slimdown Challenge would...