Go back

Published: 2018-01-17   

Pinay OFW, niregaluhan ng house and lot ng kanyang amo

Niregaluhan si Dina ng AED 23,000 (320,000 Php) ng kanyang pinagtatrabahuhang pamilya upang maisakatuparan niya ang pangarap niyang magkaroon ng sariling bahay at lupa. Binigyan rin siya ng AED12,000 (150,00 Php) karagdagan pambili ng mga materyales.

Niregaluhan si Dina ng AED 23,000 (320,000 Php) ng kanyang pinagtatrabahuhang pamilya upang maisakatuparan niya ang pangarap niyang magkaroon ng sariling bahay at lupa. Binigyan rin siya ng AED12,000 (150,00 Php) karagdagan pambili ng mga materyales.

Credits: Souqpinoy Staff

“Gawin ang tama at maging mapagpakumbaba. Magkaroon ng tiwala sa sarili kahit pa kagaya kong magkaroon man ng mapait na nakaraan bilang OFW, manatiling matibay sa mga pagsubok at huwag mawawalan ng pag-asa at sampalataya sa Diyos dahil hindi sa lahat ng oras ay puro paghihirap. May plano ang Panginoon na buhay na maginhawa para sa iyo.” Ito ang mensaheng nais ibahagi ni Miss Dina Celo sa lahat ng kabayang nagtatrabaho abroad, sa panayam sa kanya ng Souqpinoy.com.

Kasalukuyan ngang trending ngayon sa social media ang nakaka-inspire na kwento ni Dina at kanyang amo. Niregaluhan si Dina ng AED23,000 (Php320,000) ng kanyang pinagtatrabahuhang pamilya upang maisakatuparan niya ang pangarap niyang magkaroon ng sariling bahay at lupa. Binigyan rin siya ng AED12,000 (Php150,000) karagdagan pambili ng mga materyales.

Nagtrabaho si Dina sa kanyang amo na si Melissa Mc Pike, an American who acquired Emirati citizenship by marriage, noong 1998 hanggang 2000. Nagkahiwalay man sila ng landas ng amo niya, dahil nagtrabaho na siya sa isang supermarket, patuloy pa rin ang komunikasyon nilang mag-amo. At noon ngang inaya siyang muling manilbihan ng kanyang amo noong taong 2014 ay hindi na siya nag-atubili pa. Nagtrabaho siya muli sa pamilya ng Mc Pike at patuloy na inalagaan ang dalawang batang lalaki.

Likas daw talagang may mabubuting loob ang kanyang mga amo; walang okasyong hindi siya binigyan ng regalo ng mga ito. Maski ang mga damit na napagliitan ay kanya ring naiuuwi at naibibigay sa nag-iisa naman niyang anak na lalaki na si Ryan na ngayon ay kasama na rin niya rito sa Abu Dhabi, dagdag pa ni Dina.

At nito ngang Oktubre ng 2017, kinausap siya ng kanyang amo at mga anak nito at sinabihang bibigyan siya ng regalo at tutulungan siyang matupad ang kanyang pangarap.

From left to right:Dina with her son, Ryan and with a few of her friends.

Sa Huwebes, January 18, ay uuwi sa Sagnay, Camarines Sur si Dina at sasamahan siya ng panganay na anak ng kanyang amo upang personal na i-supervise ang pagpapagawa ng nasabing bahay.

“Hindi ko inaasahan na ganito, na maraming tatawag sa akin at mag-iinterview,” pahayag ni Dina; “Nagsimula lang naman po ang lahat ng naisipan kong sumulat sa isang online newspaper para sa mga Filipino tungkol sa kwentong buhay ng OFW dahil gusto kong magpasalamat in a grand way sa aking mga amo.”

Souqpinoy

More than a Marketplace
 |  http://souqpinoy.com

Recently posted articles

Philippine Independence Day Celebration 2018

LBC supports the Job Fair to be held during the...

Is your flight including a stop over in Dubai? Now, you can enjoy a day out in UAE.

The visa will be granted to transit passengers who wish...

Weather forecast includes towering waves in the sea

Kung maaari ay ipagpaliban muna ang pagpunta sa beach.

The Souqpinoy Slimdown Challenge Grand Finale

The realization of the idea behind the Slimdown Challenge would...