Go back

Published: 2017-10-21   

How to Overcome Homesickness Especially if You’re a New OFW

Mahirap mawalay sa mga mahal natin sa buhay. Lalo na sa ating mga magulang, mga anak at matatalik na kaibigan.

Mahirap mawalay sa mga mahal natin sa buhay. Lalo na sa ating mga magulang, mga anak at matatalik na kaibigan.

It takes a strong heart and a strong determination to earn your living far away from home and leave all the familiarity and warmth of your former life.

Kahit minsan ayaw nating mag senti or mag-emo, di mo talaga maiiwasan na bigla ka na lang tataman ng homesickness.

Matagal ka man sa abroad o baguhan, lahat nakakaranas ng ganitong emosyon. Isa ito sa common struggles mostly ng new OFWs.

Here are some proven ways to help you with your first few months abroad:

  1. Magdasal
    Humingi ka ng guidance at panibagong lakas kay God. Say a solemn and sincere prayer and unburden yourself to Him. He is always listening.

  2. Magbasa ng inspirational books
    Magandang pastime ang magbasa, lalo pa kung inspirational books ang babasahin mo tulad ng book ni Rick Warren “The Purpose Driven Life” or ang The Secret ni Rhonda Byrne. Somehow after reading, you will see examples of how people were able to overcome difficulties and emerged victorious.

  3. Communicate regularly with your family and loved ones
    With the digital age, mas madali na ngayon to keep in touch with your family and friends. Meron ng Skype para sa chats and video calls, Facebook messenger, Whatsapp, Viber. Make it part of your regular schedule na mag-update sila kung ano ang latest happening sa buhay nila, kamusta na pag-aaral nila, ano ang mga niluluto nilang ulam. Just to make yourself feel like you’re near them even if you are miles away.

  4. Make new friends.
    Mag member ka sa mga groups who share common interests like you. For example if you love singing, you can join the choir in St Mary’s. If you love basketball, sumali ka sa maraming Pinoy basketball tournaments sa Dubai. Kapag marami kang kaibigan mas madali kang makaka-adjust sa buhay sa UAE.

  5. Mag-relax din pag may time.
    Kapag day-off mo, take time to see and explore the city. Kumain ng mga namimiss mong Pinoy dishes sa mga Filipino restaurants. Mayroong Tagpuan sa Karama, Little Manila sa may Deira, o langhap sarap meals ng Jollibee sa Al Ghurair at Burjuman.

  6. Be active and exercise
    Nakaka-good mood ang physical exercise. Hindi lang gaganda ang katawan mo. Magiging happy vibes ka pa. Try mo mag Zumba, maraming online Youtube tutorials sa internet. O kaya pumunta sa open parks at mag brisk-walking. Madaming pwedeng gawin para maging busy at ma-lessen ang pagkalungkot.

Souqpinoy

More than a Marketplace
 |  http://souqpinoy.com/

Recently posted articles

Philippine Independence Day Celebration 2018

LBC supports the Job Fair to be held during the...

Is your flight including a stop over in Dubai? Now, you can enjoy a day out in UAE.

The visa will be granted to transit passengers who wish...

Weather forecast includes towering waves in the sea

Kung maaari ay ipagpaliban muna ang pagpunta sa beach.

The Souqpinoy Slimdown Challenge Grand Finale

The realization of the idea behind the Slimdown Challenge would...